Ang Tools for Humanity (TFH) ay isang pandaigdigang kumpanya ng teknolohiya na itinatag para mas mabilis na maitaguyod ang pagkakaroon ng mas makatarungang sistemang pang-ekonomiya. Pinangunahan ng TFH ang pagbuo ng World protocol at sinuportahan ang beta testing phase nito sa loob ng ilang taon. Pagkatapos, inilipat nito ang pangangasiwa ng protocol sa independiyenteng World Foundation bago ang paglulunsad ng protocol noong huling bahagi ng Hulyo 2023. Ngayon, patuloy na nagbibigay ang TFH ng mga serbisyo sa World Foundation at nagpapatakbo ng World App, ang unang wallet na compatible sa Worldcoin.
Mula nang itinatag ang kumpanya noong 2019, ang mga investor at miyembro ng TFH team (mga empleyado, consultant, tagapayo at iba pang service provider) ay binigyan ng mga locked Worldcoin (WLD) token bilang pagkilala sa kani-kanilang mga kontribusyon. Simula ika-24 ng Hulyo, 2024, magsisimula nang ma-unlock ang unang batch ng mga WLD token na ito.
Noong una, ang mga WLD token ng mga unang tagapag-ambag na ito ay nakatakdang sumailalim sa tatlong taong lock-up schedule. Walang maisasagawang transfer sa loob ng isang taon matapos ilunsad ang World protocol noong ika-24 ng Hulyo, 2023. Pagkatapos nito, unti-unti nang na-unlock ang mga token araw-araw at nang pantay-pantay sa sumunod na dalawang taon. Sa orihinal na schedule na ito, halos lahat ng TFH token na ito ay nakatakdang ilabas mula sa pagkaka-lock-up pagsapit ng katapusan ng Hulyo 2026 (ikatlong anibersaryo ng paglulunsad ng World).
Gayunpaman, ngayong linggo, ang unlock schedule para sa humigit-kumulang 80% ng mga WLD token ng mga investor at miyembro ng TFH team ay pinalawig mula 3 tungong 5 taon. Para sa mga token na ito, ang unang taon ng unlock schedule ay hindi magbabago (hindi maaaring mag-transfer sa loob ng isang taon matapos ilunsad ang World protocol noong ika-24 Hulyo, 2023). At dahil sa pagbabagong ito, ang 80% ng mga apektadong TFH token ay maa-unlock nang mas dahan-dahan: araw-araw at nang pantay-pantay sa susunod na apat na taon. Ang pag-unlock ng halos lahat ng mga token na ito ay matatapos na sa katapusan ng Hulyo 2028, limang taon matapos ilunsad ang protocol.
Ipinapakita ng sumusunod na mga larawan ang pagbabagong ito sa unlock schedule ng mga TFH token hanggang sa katapusan ng Agosto 2024.
Pag-unlock ng mga TFH token (WLD)
World Community
TFH Team
Mga TFH Investor
TFH Reserve
Pakitandaan na ang anumang prediskyon batay sa impormasyong ito ay tinatayang halaga lamang, dahil sa mga salik tulad ng: (1) pagkakaiba-iba kung kailan ginamit ng bawat TFH investor ang mga warrant nila, (2) mga iskedyul ng pagbibigay ng halaga ng mga miyembro ng TFH team na may sariling mga timeline, karaniwang nakadepende sa haba ng panunungkulan ng isang tao sa TFH, at (3) ang hinaharap na alokasyon ng TFH Reserve ng mga WLD token na nasa humigit-kumulang 120M WLD token sa ngayon. Wala nang nakatakdang karagdagang pagpapalawig ng mga lock-up.
Pagtatanggi
Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang sa petsang nakasaad. Maaaring kabilangan ito ng mga pahayag patungkol sa inaasahan sa hinaharap (kabilang ang mga pahayag tungkol sa layunin, paniniwala o mga inaasahan sa kasalukuyan kaugnay ng kalagayan ng merkado, estratehiya at mga plano sa negosyo, kalagayang pinansyal, partikular na probisyon at mga kasanayan sa pagharap sa panganib). Pinapaalalahanan kang huwag labis na umasa sa mga pahayag na ito dahil mayroon itong tiyak at hindi tiyak na mga panganib, kawalan ng katiyakan at iba pang salik na maaaring maging dahilan kung bakit ang aktwal na resulta sa hinaharap ay ibang-iba sa inilarawan ng naturang mga pahayag, at walang independiyenteng third party na sumuri sa pagiging makatwiran ng alinmang pahayag o pagpapalagay na mga ito.
Matatagpuan ang karagdagang impormasyon sa Mga Tuntunin at Kundisyon Para sa User ng TFH. Kaugnay ng mas malawak na World network, maaari ring tingnan ng mga mambabasa ang Pagtatanggi sa Whitepaper ng World Foundation, ang Mga Tuntunin at Kundisyon Para sa User ng World Foundation, at ang karagdagang Mahahalagang Impormasyon Para sa User sa www.world.org/risks; gayunpaman, pakitandaan na hindi responsable ang TFH para sa third party na nilalamang ito.