logo

Legal Center

  • Patakaran sa Pagkapribado ng Tools for Humanity

  • Mga Tuntunin at Kondisyon ng User ng Tools For Humanity

  • Patakaran sa Cookie ng Tools for Humanity

  • Mga Kahilingan na Pagpapatupad ng Batas

  • Developer Rewards Terms and Conditions

  • Tools for Humanity Arbitration Agreement

  • ANNEX – Mga Legal na batayan/layunin para sa mga aktibidad sa pagproseso ng datos ng Tools for Humanity

Patakaran sa Pagkapribado ng Tools for Humanity

May-bisa mula Oktubre 1, 2025

Patakaran sa Pagkapribado ng Tools for Humanity

Ipinapaliwanag nitong Patakaran sa Pagkapribado kung paano pinoproseso ng Tools for Humanity Corporation (“Kami”, “ang TFH”) ang datos mo kapag ginamit mo ang World App, ang aming mga website at serbisyo (sama-sama, ang aming “Mga Serbisyo”). Sinubukan’ naming pasimplehin ang patakaran na ito, and Hindi namin kailanman ibebenta ang personal mong impormasyon.

Kapag ginamit mo ang World App o ang isang Orb na ginawa ng TFH upang beripikahin ang iyong World ID, may kaugnayan sa iyo ang unang bahagi ng seksyon ng Patakaran sa Pagkapribado na ito. Maaaring gumawa ang ibang mga kompanya ng mga app (“Mga compatible na Application”) at o Orb upang bigyang-daan ang mga tao na gumawa, magtago, beripikahin, o gamitin ang kanilang World ID.

Beripikasyon ng World ID at Orb

Ano ang World ID?

Hindi na tulad ng dati ang Internet. Sobrang dami nang bot sa social media. Pinalalala ng mga deepfake ang pagkalat ng pekeng balita. Maging ang Wikipedia ay nahihirapan sa pagbabayad ng mga bayarin sa server dahil sa milyon-milyong mga bot na nag-a-access ng site. Kapag natatalo tayo sa mga online game laban sa mga bot o nagsa-swipe pakanan sa mga pekeng profile sa dating app, nakikita natin kung paanong nagbabago ang Internet sa pag-usbong ng artificial intelligence– unti-unti nating naiwawala ang aspeto ng pagiging tao sa mga online na pakikipag-ugnayan. Upang matugunan ang problemang ito, pinipilit ng mga online platform ang mga gumagamit na magpakilala. At may ilang pamahalaan na pinag-iisipang gawing mandatoryo ang paggamit ng tunay na pangalan ng mga user sa online. Sa tingin namin ay may mas mabuting paraan upang iligtas ang Internet Isang paraan na hindi mo na kailangang magpakilala pa. Ito ang dahilan kung tumutulong kami sa pagbuo ng isang anonymous na online na identity infrastructure na pagmamay-ari ng lahat – World ID.

Paano ito gumagana?

Maaari kang gumawa at itago ang isang World ID sa pamamagitan ng paggamit ng Compatible na Application. Kapag nagawa mo na at naitago ang World ID mo, maaari mong piliin na beripikahin ang World ID mo.

Paggawa ng isang World ID

Sisimulan mo sa pamamagitan ng pag-install ng isang Compatible na Application sa telepono mo. Awtomatikong gagawa ang Compatible Application ng isang random na numero, ang iyong World ID Secret. Mananatili ito sa mobile device at hindi kailanman ipapakita kaninoman.

Pagberipika ng isang World ID

Upang beripikahin ang World ID mo, maaari kang magpa-appointment sa isang Orb. Gagawin ng Orb ang: kukuhaan ng litrato ang mukha at mga mata mo; analisahin ang mga larawa upang kumpirmahin na i’sa kang natatanging tao; lumikha ng isang iris code; gawin hindi nakikilala ang iris code na iyon; i-encrypt ang mga larawan, iris code, at gawing hindi nakikilala ang datos at ipadala ang mga ito sa telepono mo; at permanenteng burahin ang lahat ng datos sa Orb. Alamin ang higit pa tungkol sa Orb.

Pagiging Tao

Una, susuriin ng mga neural network sa Orb ang mga larawan upang matiyak na ang nasa larawan ay isang totoong tao upang hindi mapahintulutan ang mga deepfake na larawan o larawan na nasa screen na sumusubok lokohin ang Orb.

Pagiging Natatangi

Pangalawa, tinitiyak namin na wala ka pang naunang naberipika na World ID – upang matiyak na natatangi ka. Para sa layuning ito, gumagawa ang Orb ng iris code mula sa mga abstraksiyon ng mga larawan ng mata. Ang isang iris code ay isang serye ng 12,800 zero at isa na kumakatawan sa natatanging detalye ng mata.. Gagawing hindi nakikilala ang iris code gamit ang homomorphic na pag-encrypt sa pamamagitan ng Pagbabahagi ng Sikreto ng Shamir sa isang Pagkalkula ng Maramihang Partido—tinatawag ito na Hindi Nakikilalang Pagkalkula ng Maramihang Partido o AMPC (Anonymous Multi Party Computation). Alamin ang higit pa tungkol sa AMPC. Pagkatapos ng aksyon upang hindi makilala, isinasagawa ang pagberipika ng pagiging natatangi sa pamamagitan ng cryptographic na paghahambing ng mga fragment ng AMPC sa isang malaking database ng mga ibang AMPC fragment na hindi maikakabit sa sinumang indibidwal, upang masigurong ang mga bagong AMPC fragment ay talagang natatangi.

Pag-iingat ng Datos

Ang mga larawan, ang iris code, at ang mga fragment ng AMPC ay pinipirmahan gamit ang cryptographic signature at ini-e-encrypt upang ligtas na maipadala at maiimbak sa telepono mo. Pagkatapos nito, permanenteng buburahin ang datos sa Orb. Ibig sabihin, ikaw lamang ang may kopya ng iyong personal na datos. Alamin ang higit pa tungkol sa Personal na Pag-iingat ng Datos. Maaari mong gamitin ang mga larawang nasa telepono mo para sa pag-authenticate ng mukha. Itinutugma ng pag-authenticate ng mukha ang isang selfie ng mukha mo sa mga larawang kuha ng Orb na nilagdaan gamit ang cryotopgraph signature upang matiyak na ikaw talaga ang may-ari ng World ID. Ganap na isinasagawa rin ang pag-authenticate ng mukha sa iyong telepono. Alamin ang higit pa tungkol sa Pag-authenticate ng Mukha.

Paano ginagawang hindi nakikilala ang datos?

Random ang pag-encrypt sa mga fragment ng AMPC–kahit na subukan mong dalawang beses na beripikahin, iba ang magiging mga fragment sa bawat pagkakataon. Nagbibigay-daan ang espesyal na paraan ng pagkalkula ng mga AMPC fragment upang magamit ito sa pagtukoy ng pagiging natatangi, ngunit wala nang iba pa. Ang pag-iimbak ng mga AMPC fragment sa mga unibersidad at iba pang Partido na may mataas na antas ng tiwala ng publiko ay nagsisiguro na ang mga AMPC fragment ay hindi muling pagsasamahin o gagamitin para sa anumang layunin maliban sa pagsusuri ng pagiging natatangi. Sa ganitong paraan, walang personal na datos ang naiingatan o naia-access ng sinumang tagapag-ambag sa World protocol o kalahok, o ng anumang ikatlong partido.

Paggamit ng World ID

Kung matagumpay ang iyong pagberipika ng Orb, ang hash ng sikretong World ID mo (isang random na numero) ay idinaragdag sa pampublikong listahan ng mga naberipikang hash ng World ID nang hindi kailanman nalalaman kung sino ka, o kung anong datos ang nakolekta sa Orb. Kapag ginamit mo ang World ID mo, pinatutunayan mo mula sa telepono mo na hawak mo ang World ID secret na tumutugma sa isa sa mga hash sa Hash Tree nang hindi isiniwalat kung alin doon. Tinitiyak ng isang Patunay na Walang Alam (Zero Knowledge Proof, ZKP) na hind’i mo isiniwalat kung alin sa mga hash ang pinagbabatayan mo. Sa halip, lumilikha ang ZKP ng isang nullifier hash para sa isang tiyak na aksyon na maaaring ilarawan bilang isang pansamantala at action specific na World ID. Sa pamamagitan nito, maaari mong gamitin ang World ID nang hindi nakikilala. Ibig sabihin, kung gagamitin mo ang World ID mo upang mag-log in sa dalawang magkaibang serbisyo at tangkain ng mga serbisyong iyon na tukuyin ka sa pamamagitan ng pagbabahagi ng nullifier hash mo, hindi ka pa rin nila makikilala. Hindi nito ganap na sinosolusyunan o pinipigilan sila na makilala ka sa pamamagitan ng ibang paraang matagal nang ginagamit ng mga online platform, ngunit sa paglipas ng panahon, maaaring makatulong ito sa paglutas ng problema ng online na pagsubaybay.Alamin ang higit pa tungkol sa mga ZKP.

Personal na Datos Na Kinokolekta At Ginagamit Namin

Kinokolekta namin ang personal mong datos kapag ibinigay mo ito sa amin at kapag ginamit mo ang aming mga Serbisyo. Sa iilang mga kaso, nakakatanggap din Kami ng personal na datos mula sa mga ikatlong partido. Gaya ng ipinaliwanag sa ibaba, maaari mong ma-access, itama, o burahin ang iyong personal na datos anumang oras.

Personal na datos na ibinigay mo sa amin

Opsyonal na ibigay ang datos na nakalista sa seksyong ito. Maaaring magbago ang isip mo at baguhin o burahin ito anumang oras sa mga setting ng World App.)

  • Maaari mong ilagay ang iyong numero ng telepono sa iyong World App account. Makakatulong ito sa mga kontak mo na mahanap ka at makipag-ugnayan sa iyo. Maaari mo ring gamitin ang numero ng telepono mo upang ibalik ang mga backup at bumatay sa aming sistema ng referral (tingnan ang aming mga referral sa partnership).
  • Maaari mong i-sync ang mga kontak mo sa World App. Sa pamamagitan nito, makikita mo kung sinu-sino sa mga kontak mo ang nagdagdag ng kanilang numero ng telepono sa World App upang mas madali kang makakonekta at makipag-ugnayan sa kanila. Hindi namin iniimbak ang mga kontak mo.
  • Maaari kang gumawa ng isang username, na maaari mong baguhin anumang oras. Naka-link lang ang username mo sa wallet mo at hindi sa iyon World ID.
  • Kapag hiniling Namin na ilagay mo ang iyong petsa ng kapanganakan Hindi Namin ito iiimbak.
  • Maaari mong ibahagi sa amin ang iyong geo-location upang makahanap ng Orb na malapit sa iyo at makatulong sa amin na maunawaan kung saan kami dapat gumawa upang gawing magagamit ang mga Orb sa hinaharap.
  • Hihilingin sa iyo na ilagay ang petsa ng kapanganakan mo. Hindi itatago o iiimbak ang petsa ng kapanganakan mo at ginagamit lamang sa device mo upang matukoy kung pasok ka sa minimum na edad na kinakailangan para magamit ang mga Serbisyo.
  • Kapag nakipag-ugnayan ka sa amin, halimbawa, para sa tulong o suporta, ipoproseso Namin ang mga mensahe at pakikipag-usap sa iyo na maaaring maglaman ng personal mong datos. Kapag nagbigay ka ng opinyon sa pamamagitan ng mga survey, gagamitin Namin ang opinyon mo upang mapahusay ang mga serbisyo namin.
  • Kung gumagamit ka ng World Chat Hindi namin nakikita o naa-access ang mga chat message mo. Ang mga mensahe at kaugnay na metadata ay end-to-end encrypted, at hindi Namin kayang i-decrypt o ma-access ang mga ito sa anumang paraan. Pinapadaan lamang namin ang naka-encrypt na mga mensahe sa aming server mula sa nagpadala patungo sa tatanggap ng mensahe.
  • Maaari mong piliing payagan kami na mangolekta at suriin ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa iyong mga interaksiyon sa World App upang matulungan kaming makahanap ng mga bug at pagbutihin ang aming mga produkto.
  • Maaari mong piliin na ibigay ang datos mo upang mapahusay para sa lahat ang World ID. Upang matiyak na ang World ID ay ligtas, maaasahan, at inklusibo, nangangailangan ang mga modelo na nagpapagana rito ng datos ng pagsasanay mula sa iba’t ibang populasyon. Maaari mo ring piliing ibahagi ang iyong mga larawan mula sa Orb at Pag-authenticate ng Mukha upang makatulong sa pagsasanay ng mga modelong iyon.
  • Maaari kang magdagdag ng Mga Credential tulad ng isang pasaporte sa iyong World App. Susuriin namin ang bisa ng iyong credential, kukumpirmahin kung ang tumutugma ang mukha mo sa larawan na nasa credential, at pagkatapos ay ligtas naming iimbak ang datos ng iyong credentia’l sa iyong device. Wala kaming access kailanman sa personal na impormasyon na nasa credential mo.

Impormasyong kinokolekta Namin kapag ginagamit mo ang Mga Serbisyo namin

  • Kapag ginagamit mo ang World App kinokolekta Namin ang impormasyon na tungkol sa iyong koneksyon, tulad ng iyong IP address, uri ng browser, at kaugnay na datos upang maibigay ang aming mga Serbisyo at maiangkop ang mga ito sa bansang kinaroroonan mo. Kinokolekta Namin ang karagdagang metadata ng device tulad ng iyong resolusyon ng screen, operating system, carrier, wika, memorya, mga app na naka-install, antas ng baterya, at numero ng device upang matiyak na gumagana nang maayos ang app sa device mo at sumusunod sa aming Mga Tuntunin at Kondisyon. Ginagamit din namin ang impormasyong ito para makita at maiwasan ang pangloloko.
  • Kinokolekta Namin ang karagdagang impormasyon tungkol sa iyong mga interaksyon sa World App upang matiyak na gumagana ito sa paraan na inaasahan mo (hal., itago ang mga setting mo at ang iyong antas ng beripikasyon upang ipakita sa iyo ang kaukulang interface).
  • Sa unang pagkakataon na bubuksan mo ang World app sa telepono mo, random itong gagawa ng crypto wallet kabialng ang isang wallet address para sa iyo. Pinoproseso namin ang wallet address na iyon upang pahintulutan ang mga transaksyon na may kinalaman sa wallet mo. Nakaimbak lang ang kaukulang pribadong key ng wallet sa device mo at hindi Namin ito kailanman naa-access.
  • Upang makasunod sa mga legal na obligasyon at upang makapagbigay ng interface para sa mga transaksyon sa blockchain, nangongolekta kami ng mga updated na kopya ng estado ng mga pampublikong blockchain na maaaring maglaman ng iyong nakaraan at pampublikong transaksyon.
  • Gumagamit ang mga website namin ng Cookies. Ang cookies ay maliliit na text file na iniimbak sa device mo na ginagamit ng mga online na serbisyo upang makilala ang device mo at/o mga kagustuhan. Gumagamit kami ng functional cookies upang matiyak ang maayos na karanasan sa aming website, at optional cookies upang suriin at pagbutihin kung paano ginagamit ang aming mga website. Para sa isang buong listahan ng Cookies at mga opsyon mo upang tanggihan ang mga hindi mahahalagang Cookies, pakitingnan ang aming Patakaran sa Cookie.

Impormasyon na maaari Naming matanggap mula sa mga ikatlong partido

  • Kung kailangan mong gamitin ang aming portal ng suporta upang beripikahin ang edad mo, humihiling Kami ng kumpirmasyon mula sa isang ikatlong partido na independyenteng nakapagberipika ng edad mo na pasok ka sa pinakamababang edad ng mayorya sa bansa mo. Hindi kami nakakatanggap ng anumang ibang impormasyon mula sa ikatlong partido na ito.
  • Upang maiwasan ang panlilinlang at mga ilegal na gawain sa aming mga Serbisyo, tumatanggap Kami ng impormasyon mula sa mga ikatlong partido tungkol sa mga device at blockchain wallet na konektado sa posibleng panlilinlang at/o ilegal na aktibidad.

Pagbabahagi ng Personal na Datos

Sa loob ng TFH, tanging mga miyembro ng grupo na kailangang i-access o makita ang personal na datos upang magampanan ang kanilang mga tungkulin ang pinapayagang gawin ito, at mayroon Kaming mahigpit na mga kontrol sa pag-access upang matiyak ito. Ibinabahagi rin namin ang datos sa mga pinagkakatiwalaang vendor at tagapagbigay ng serbisyo ng mga Serbisyong inaasahan Namin. Kabilang sa mga tagapagbigay ng serbisyong ito ang mga provider ng cloud service, provider ng software bilang isang serbisyo, at mga kompanyang nagbibigay ng IT security. Pakitingnan ang kumpletong listahan ng aming mga processor.

Maaari naming ibahagi ang datos mo upang sumunod sa mga legal na kinakailangan o tumugon sa mga lehitimong kahilingan mula sa mga Awtoridad ng Batas. Kung lumabag ang mga aksyon mo sa aming Mga Tuntunin at Kondisyon, o kung ito ay nagdudulot ng panganib sa karapatan namin o ng i’ba, maaari naming ibigay ang iyong impormasyon sa mga kaukulang awtoridad. Ibabahagi lang namin ang iyong personal na impormasyon sa iyong pahintulot o ayon sa iyong tagubilin.

Gaano Namin Katagal Itinatago Ang Personal Na Datos

Sa pangkalahatan, tinatago Namin ang iyong personal na datos ayon sa sumusunod:

  • personal na datos na ibinibigay mo sa amin, tinatago Namin hangga’t ginagamit mo ang aming mga Serbisyo, o hanggang sa piliin mong baguhin o burahin ito.
  • impormasyong kinokolekta namin habang ginagamit mo ang aming mga Serbisyo, tinatago Namin nang hindi hihigit sa dalawang taon. mga naunang interaksiyon mo sa World App (na kailangan para patuloy na gumana ang app), tinatago Namin hangga’t ginagamit mo ang mga Serbisyo, o hanggang sa burahin mo ang account mo.
  • permanenteng naka-publish ang datos ng wallet sa pampublikong blockchain, kung saan regular Kaming kumukuha ng updated na kopya nito; at
  • impormasyong maaaring natanggap Namin mula sa mga ikatlong partido (karaniwan para maiwasan ang panlilinlang at mapanatiling ligtas ka at ang iba habang ginagamit ang aming Mga Serbisyo), itinatago naming ito sa loob ng isang taon maliban kung lumabag ka sa aming Mga Tuntunin, kung gayon ay itatago namin ito sa loob ng limang taon.

Kung ipag-uutos ng batas, itatago namin ang personal mong datos ayon sa kinakailangan upang sumunod sa aming mga legal at regulasyong obligasyon, kabilang ang pagsubaybay, pagtukoy, at pagpigil sa pandaraya, gayundin sa mga obligasyon sa buwis, accounting, at pinansyal na pag-uulat.

Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa mga partikular na legal na batayan at layunin ng aming mga aktibidad sa pagproseso ng datos, pakitingnan ang talahanayan sa ibaba, na nagpapaliwanag ng mga datos na kinokolekta Namin, kung para saan Namin ito ginagamit, at kung gaano ito katagal itatago.

Mga Karapatan Mo

Sa iyo ang datos mo, at naniniwala kami na dapat ay madali mong magamit ang mga karapatan mo anumang oras. Kapag ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo, palagi mong maaaring:

  • alamin ang higit pa ang tungkol sa pagproseso ng datos sa pamamagitan ng mga materyal na pang-suporta dito o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa aming Tanggapan para sa Proteksyon ng Datos dito;
  • i-access at makakuha ng kopya ng personal mong datos dito;
  • itama ang anumang personal mong datos dito;
  • Pagbura ng personal mong datos sa pamamagitan ng pagpunta sa mga setting, pag-click sa Pagkapribado & Legal at pagpili sa burahin ang opsyonal na datos o burahin ang buong account mo; at
  • bawiin ang pahintulot mo sa pagproseso ng datos batay sa pahintulot o tutulan ang pagproseso batay sa lehitimong interes, kabilang ang paghiling na limitahan ang pagproseso sa pamamagitan ng pagpunta sa iyong mga setting sa World App sa ilalim ng Pagkapribado & Legal.

Maaari mong gamitin ang mga karapatang ito sa World App sa pamamagitan ng pag-click sa Pagkapribado & Legal sa ilalim ng mga setting; para sa higit pang impormasyon sa pagbubura, tingnan ang artikulong ito ng sentro ng tulong.

Pangkalahatan

Sumusunod kami sa Balangkas para sa Pagkapribado ng Datos ng EU-U.S (EU-U.S. Data Privacy Framework, EU-U.S. DPF), sa Pagpapalawig ng UK sa EU-U.S. DPF, at sa Balangkas para sa Pagkapribado ng Datos ng Swiss-U.S. (Swiss-U.S. Data Privacy Framework, Swiss-U.S. DPF) ayon sa itinakda ng Kagawaran ng Kalakalan ng U.S. Nakapagsumite kami ng sertipikasyon sa Kagawaran ng Kalakalan ng U.S. na sumusunod kami sa Mga Prinsipyo ng Balangkas para sa Pagkapribado ng Datos ng EU-U.S (EU-U.S. Data Privacy Framework Principles, EU-U.S. DPF Principles) kaugnay ng pagproseso ng personal na datos na natatanggap mula sa Unyong Europeo batay sa EU-U.S. DPF at mula sa United Kingdom (at Gibraltar) batay sa Pagpapalawig ng UK sa EU-U.S. DPF. Nakapagsumite kami ng sertipikasyon sa Kagawaran ng Kalakalan ng U.S. na sumusunod kami sa Mga Prinsipyo ng Balangkas para sa Pagkapribado ng Datos ng Swiss-U.S. (Swiss-U.S. Data Privacy Framework Principles, Swiss-U.S. DPF Principles) kaugnay ng pagproseso ng personal na datos na natatanggap mula sa Switzerland batay sa Swiss-U.S. DPF. Kung mayroong anumang salungatan sa pagitan ng mga probisyon ng patakaran sa pagkapribado na ito at ng mga Prinsipyo ng EU-U.S. DPF at/o Swiss-U.S. DPF, ang mga Prinsipyo ang mananaig. Upang alamin ang higit pa tungkol sa Balangkas para sa Pagkapribado ng Datos (Data Privacy Framework, DPF) na programa, at upang makita ang aming sertipikasyon, mangyaring bisitahin ang website ng Balangkas para sa pagkapribado ng datos.

Dapat ikaw ay nasa tamang edad ng pagiging legal na adulto sa iyong bansa (at hindi bababa sa 18 taong gulang) upang magamit ang aming mga Serbisyo. Sineseryoso namin ang proteksyon ng mga menor de edad—kung sa tingin mo ay mayroong wala pang 18 taong gulang na gumagamit ng mga Serbisyo namin, mangyaring makipag-ugnayan kaagad samin sa pamamagitan ng aming Portal ng Pagkapribado o sa mga channel sa itaas.

Maaari naming baguhin ang Patakaran sa Pagkapribado na ito anumang oras, pero kung maaapektuhan ng mga pagbabago na ito ang mga karapatan mo ay sasabihan ka na’min nang maaga. Kung gagamitin mo pa rin ang aming mga Serbisyo pagkatapos nito, tinatanggap mo ang na-update na Patakaran sa Pagkapribado.

Paano Makipag-ugnayan Sa Amin

Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado na ito o iba pang katanungan na may kinalaman sa datos, maaari kang makipag-ugnayan sa amin anumang oras. Maaari mong laging kontakin ang aming Tanggapan para sa Proteksyon ng Datos at ang aming Opisyal sa Proteksyon ng Datos, na si Jannick Preiwisch, sa [email protected] o sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham sa: DPO, Tools For Humanity Corporation, 650 7th St, San Francisco, CA 94103, USA.

Kung nakatira ka sa Estados Unidos o sa alinmang bansa sa labas ng Unyong Europeo, mga estado ng EFTA, o ng United Kingdom, ang tagapagkontrol ng datos na responsable sa personal mong datos ay ang Tools for Humanity Corporation, na may address na 650 7th St, San Francisco, CA 94103, USA.

Kung nakatira ka sa Unyong Europeo, mga estado ng EFTA, o sa United Kingdom, ang tagapagkontrol ng datos na responsable sa personal mong datos ay ang Tools for Humanity GmbH, na may address na Marcel-Breuer Str. 6, 80807 Munich.

Kung nais mong magparating ng alalahanin tungkol sa mga gawi sa datos, may karapatan kang gawin ito sa iyong awtoridad na nangangasiwa o nangungunang awtoridad na nangangasiwa ng TFH GmbH’, ang Awtoridad sa Proteksyon ng Datos ng Bavaria (“BayLDA”) gamit ang mga detalye ng pakikipag-ugnayan na nakalista sa kanilang website.

ANNEX – Mga Legal na batayan/layunin para sa mga aktibidad sa pagproseso ng datos ng Tools for Humanity

TFHPS20250731